NATIONAL DAY OF MOURNING
~A special blog post for every hero in the world
"Inialay ko ang buhay ko para sa inyo."
"Bawa't buhay, masaya't malungkot,
Magulo't makulay, ay nakalimbag sa pahina ng kasysayan.
Mula sa pagkakasilang, patungo sa kamusmusan,
Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan......
...Hanggang kailan susukatin?
Hanggang kailan bubuhayin?
Hanggang kailan maaangkin?
~bahagi mula sa tula na may titulong Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa
-Pat V. Villafuerte (sikat na Pilipinong manunulat, well-known Filipino Writer)
Naaalala ko pa ang tulang ito pagkat ito ang tulang naging tulay sa pagkamit ng aming eskwelahan noong paaralang sekundarya ng kampeonato. Tagos sa puso at nag uumapaw na emosyon ang ibinigay na aral at kahulugan nito sa akin.
Lahat tayo'y may iba't-ibang personalidad at kakayanan at alam naman nating lahat na ito'y biyaya mula sa Panginoon. Pinagkatiwalaan niya tayo mula sa mundong pinakaibabaw ng kanyang "Puso't kaluluwa." Hindi naging balakid ang ating mga kasalanan para sa kabutihang gusto niyang ipamalas. Kaya naman lalong nag alab ang kanyang walang hanggang pagmamahal para sa atin. Maging sarili niyang anak ay inialay sa paghahangad ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamahalan nating lahat. Wala na atang hihigit pang nilalang sa atin dito sa mundong ito pag dating sa tiwala at biyayang ipinagkaloob sa atin. Ano pa nga ba ang ating mahihiling? Hindi lang natin minsan lubos akalain na may mga pagkakataon na hindi natin lubos maunawaan ang mga bagay sa paligid natin. Maunawaan man, may pagkakasala pa din.
Hindi ko hinangad at hinahangad na papurihan dahil sa aking mga sinasabi. Ako ma'y tao ding nilikha at nagkakasala. Hindi ko nais na manghusga, manghamok, o maghanap ng kaguluhan sa aking pagsusulat. Marahil ang pinaka kilalang Pilipinong manunulat na si Dr. Jose Rizal ay naramdaman din ang matinding alab at bugso ng damdamin sa bawat letra, bawat sinumpaang salita at bawat salaysay na kanyang isinulat at ipinahayag. May mga panahon din at pagkakataon na ang mga salita at wika'y kulang upang ipahayag ang ating nais. Kahit gaano kagaling ang isang tao pagdating sa ideolohiya at paninitik, hindi pa rin ito sapat para makapagpabago ng kaisipan at kaliwanagan sa mga bagay bagay.
Sa aking pamumuhay at paglalakbay, masasabi kong higit sa pang karaniwan ang aking mga natutunan. Ito'y hindi dahil sa aking mga nakamtan, nalaman, nakilala, nakita, narinig, naamoy, nalasahan, o naramdaman kundi dahil sa aking mga natutunan at naranasan. Aking nabatid na kahit anong kabutihan ang gawin mo'y hahanapan at gagawan ka pa rin ng kamalian ng iyong kapwa. Isa din ang kasabihang ito na kilala na nagmula sa isang bayaning lumilipad at nakasuot ng kapang pula.
"Ang pagiging bayani'y hindi dapat maging sukatan ng buhay at kamatayan. Ang sino mang maniwala dito'y higit pang mabagsik sa tusong matsing at mas makamandag sa pinaka nakalalasong ahas."
Special Action Force
- Fallen 44
- Sr. Insp. Ryan Ballesteros Pabalinas
- Sr. Insp. John Garry Alcantara Erana
- Sr. Insp. Max Jim Ramirez Tria
- Sr. Insp. Cyrus Paleyan Anniban
- Sr. Insp. Gednat G. Tabdi
- Insp. Joey Sacristan Gamutan
- Insp. Rennie Tayrus
- SPO1 Lover L. Inocencio
- PO3 Rodrigo F. Acob Jr.
- PO3 Virgel S. Villanueva
- PO3 Andres Viernes Duque Jr.
- PO3 Vitoriano Nacion Acain
- PO3 Noel Onangey Golocan
- PO3 Junrel Narvas Kibete
- PO3 Jed-In Abubakar Asjali
- PO3 Robert Dommolog Aliaga
- PO3 John Lloyd Rebammonte Sumbilla
- PO2 Amman Misuari Esmulla
- PO2 Peterson I. Carap
- PO2 Roger C. Cordero
- PO2 Nicky DC Nacino Jr.
- PO2 Glenn Berecio Badua
- PO2 Chum Goc-Ong Agabon
- PO2 Richelle Salangan Baluga
- PO2 Noel Nebrida Balaca
- PO2 Joel Bimidang Dulnuan
- PO2 Godofredo Basak Cabanlet
- PO2 Franklin Cadap Danao
- PO2 Walner Faustino Danao
- PO2 Jerry Dailay Kayob
- PO2 Noble Sungay Kiangan
- PO2 Ephraim G. Mejia
- PO2 Omar Agacer Nacionales
- PO2 Rodel Eva Ramacula
- PO2 Romeo Valles Senin II
- PO1 Russel Bawaan Bilog
- PO1 Angel C. Kodiamat
- PO1 Windell Llano Candano
- PO1 Loreto Guyab Capinding
- PO1 Gringo Charag Cayang-o
- PO1 Romeo Cumanoy Cempron
- PO1 Mark Lory Orloque Clemencio
- PO1 Joseph Gumatay Sagonoy
- PO1 Oliebeth Ligutan Viernes
"Ang giyerang kanilang sinuong, kailan ma'y hindi matatapos. Iwaksi ang kasamaan! Simulan natin ito sa ating mga sarili."
..tayo'y magdasal para sa ating lahat, nawa'y maging maayos at magkaroon ng tamang kapayapaan at hustisya ang ating mundo..

.jpg)












.jpg)
